MAKARAAN ang pagsabog sa gymnasium ng Marawi State University sa Lanao del Sur, inilagay na rin ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang kanilang puwersa.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa maghahasik ng gulo.
Hakbang din ito para pigilan ang simpatya mula sa mga kaalyadong terorista na siyang nagpasabog sa MSU gym.
Una nang nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na mag-ingat at maging mapagbantay.
Habang pinakilos na rin ang PNP at Armed Forces of the Philippines na dagdagan ang intelligence activities para pigilan ang banta ng karahasan.
E. CELARIO