(Part 2)
NOONG April 21, binaril at napatay si dating PA Corporal Winston Ragos ni police Master Sergeant Daniel Florendo Jr., dahil umano sa pagbunot nito ng baril sa isang checkpoint sa Quezon City.
Binatikos naman ng masa noong April 24 ang Chinese Embassy matapos magpalabas ng isang music video tungkol sa relasyon ng Filipinas at China sa gitna ng masalimoot na COVID-19. Ang music video ay may kinalaman sa pagkamkam ng China sa West Philippine Sea at sa mga lugar na pag-aari ng Filipinas.
Nagpasa naman ng resolusyon ang 15 senador noong April 27, na naglalayong amyendahan ang mga patakaran ng Senado kung saan papayagan ang sesyon sa plenaryo at pagkakaroon ng committee hearings via teleconference kahit matindi ang sitwasyon sa COVID-19.
Pinirmahan din ni President Duterte ang Executive Order No. 111, na nag-abolish sa Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO).
Sa pagtatapos ng Abril, pinangalanan si dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ni Pope Francis na Cardinal-Bishop, ang pinakamataas na titulo ng Cardinal sa Simbahang Katolika.
Mayo 4, napaso ang prangkisa ng ABS-CBN. Kinabukasan, Mayo 5, nagpaalam sa ere ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng NTC, dahil nagtapos na ang prangkisa nito noong Marso 30, 1995 pa.
Nang sumunod na araw, May 6, pinirmahan ni Duterte ang Executive Order No. 114, na magpapatupad sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” Program para mabawasan ang tao sa Metro Manila at mapaunlad ang mga karatig-bayan.
Na-dismiss noong May 8 sa Supreme Court (SC) ang petisyong isinumite ni Atty. Dino de Leon, na naglalayong ipaalam sa publiko ang totoong estado ng kalusugan ni Duterte. Noong September 8, isinapinal ng SC ang denial sa petisyon ni De Leon.
Noong May 23, dumating sa Subic, Zambales ang kauna-unahang missile-capable warship ng bansa, na dumating limang araw matapos magtungo si Duterte ng South Korea.
Inaresto naman ng NBI noong Hunyo 5 si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio sa utos ng Sandiganbayan, habang noong Hunyo 15, convicted naman sa Manila Regional Trial Court Branch 46 si Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer Reynaldo Santos Jr., sa kaso ng cyber libel kaugnay ng isang artikulong na-publish noong 2012 na nagdamay sa isang negosyante sa mga illegal na gawain.
Hunyo 19, pinirmahan ni Duterte ang Republic Act No. 11475, na opisyal na naglilipat sa Antipolo sa probinsya ng Rizal. Nasaksihan noong June 21 ang annular solar eclipse sa buong bansa, at pinirmahan ng pangulo noong Hunyo 25 ang Republic Act No. 11476, na nag-aatas na isama ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa curriculum ng K-12 program.
Hulyo naman nang pinirmahan ni Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act No. 11479), na nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno ng mas malakas na kapangyarihan laban sa tao o grupong sumusuporta sa terorismo. Inulan ito ng batikos.
Matapos ang 12 pagdinig na nagsimula noong Mayo 26, hindi ipinagkaloob ng House of Representatives noong Hulyo 25 sa ABS-CBN ang prangkisang inaaplayan nila.
Dahil naman sa lumalalang sitwasyon ng C19, noong Hulyo 17, napilitan si Pres. Duterte na pirmahan ang Republic Act No. 11480, upang baguhin ang schedule ng pagbubukas ng klase kung may state of emergency o state of calamity. NENET VILALFANIA
(ITUTULOY)
Comments are closed.