Hello Anthony Jennings, goodbye Rico Blanco

Looks like nadebelop sina Maris Racal and Anthony Jennings dahil sa madalas na pagsasama nila sa tapings ng katatapos na teleseryeng ‘Can’t buy me love.’ Madalas pa rin kasi silang magkita kahit tapos na nga ang teleserye.

At heto pa! Kumpirmadong break na sina Maris at Rico Blanco. Ang Kapamilya actress-singer mismo ang nagsabi nito.

Sabagay, kahit nauuso ngayon ang May-December affair, hindi naman lahat at successful, considering na 26 lang si Maris at ang Rivermaya vocalist na si Rico ay 51 na.

Ilang weeks na raw silang break ngunit hindi makapaglabas ng statement si Maris, dahil siya mismo ay hindi makapaniwaka sa nangyari.

Ani Maris, maganda at Masaya ang mahigit Limang taon nilang relasyon. Totoo raw ang pagmamahalan nila, at nagkakasundo rin sila.

“Sa five years namin together, we were always on the same page,” dagdag pa ni Maris

Pero habang nagtatagal, naiiba raw ang gusto nilang dalawa at parang hindi na swak, kaya kapwa sila nagdesisyong mag-break. Ganun lang.

Pero hinala namin, isa sa mga dahilan si Anthony. Kahit naman sinong boyfriend, kahit pa gaano kalawak ang pang-unawa mo, kapag nakikita mo at nababalitaang close ang girlfriend mo sa ibang lalaki, magdududa ka rin.

In fairness, walang comment si Rico at ayaw pa nga magpa-interview. Pero pag naging sina Anthony at Maris in the future, mako-confirm natin ang totoong dahilan. RLVN