LUMAGDA ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Paranaque City Government at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagbuo ng Overseas Filipino Workers (OFW) Help Desk sa lungsod ng Paranaque.
Layon nito na maging mabilis at maayos na serbisyo ang maibigay ng dalawang ahensiya ng pamahalaan para sa mga OFW na naninirahan sa lugar.
Nakapaloob sa kasunduan na ang OWWA ang siyang magtatalaga ng mga empleyado na haharap o magiging access ng mga OFW sa kanilang problema at iba pang pangangailangan tulong mula sa pamahalaan.
Nagpasalamat naman OWWA sa pamahalaan lungsod ng Paranaque dahil sa suporta at pakikiisa sa naturang MOA para sa mabilis at maayos na serbisyo sa mga OFW sa kanilang lugar. FROILAN MORALLOS