HELPER GINULPI AT SINAKSAK NG BASAG NA BOTE

BLOODY KNIFE

MALABON – SUGATAN ang isang helper matapos gulpihin at saksakin ng basag na bote ng tatlong magkakamag-anak na kabilang sa nagra­rambulan sa harap ng kanyang bahay kama­kalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong bugbog at saksak sa tiyan si Rhoell Custodio, 26, ng Padua Compound, Custodio St., Brgy. Santulan.

Kinilala naman ni Malabon Police Sr. Insp. Carlos Cosme Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas Marcs,18, kanyang ina na si Rowena, nasa hustong gulang at  alyas Elcit, pawang residente ng Mangino Gapan, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon nina PO3 Roldan Angeles at PO2 Joenel Claro, dakong alas-5:30 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Padua Compound nang mapansin nito ang maraming tao kabilang ang mga suspek na nagbabatuhan ng bote ng alak habang ang iba ay nagsusuntukan.

Tinangkang umawat ng biktima subalit bigla na lamang itong ­hinablot at hinawakan ni Rowena bago binugbog ni alyas Elcit at sinaksak sa tiyan ng basag na bote ni Marcs.

Nadakip ang mga suspek ng mga ru­mespondeng sina PO2 Henry Anday at PO1  Dexter Tolentino habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan.                   EVELYN GARCIA

2 thoughts on “HELPER GINULPI AT SINAKSAK NG BASAG NA BOTE”

  1. 807696 335428Youll notice several contrasting points from New york Weight reduction eating strategy and every 1 one may possibly be beneficial. The very first point will probably be authentic relinquishing on this excessive. lose weight 716586

  2. 751226 24809Hey! Do you know if they make any plugins to help with SEO? Im trying to get my blog to rank for some targeted keywords but Im not seeing extremely good outcomes. If you know of any please share. Thanks! 252938

Comments are closed.