MAY kontrata pa si Gary David sa Bataan, hanggang Disyembre pa raw ito. Pero ayaw na siyang paglaruin ng kanyang koponan. Ginagawa na lamang umanong spokesperson si David sa media. Binigyan na rin siya ng go signal na maghanap ng bagong team kung ayaw niya ang magiging bagong position sa Bataan. Si coach Jong Uichico ang bagong head coach ng team, at posibleng si Nash Racela ang assistant nito.
Ayon kay Gary, kaya pa naman niyang maglaro, pero kulang na lang ay sabihin ng bagong coaching staff ng Bataan na ayaw na nila sa dating star player ng Lyceum. Posibleng makabilang si David sa bagong team sa MPBL, ang Nueva MI-GUARD. Pinapunta si Gary ng dating kasamahan nito na si Rye Rapilda, operation team manager ng Mi-Guard. Tatapatan umano ng Nueva Mi-Guard ang kontrata ni Gary sa Bataan.
Itinanggi ni Jayjay Helterbrand na lalaro siya sa Imus Banderas. Nagkakaroon umano ng pag-uusap ang management at ang player. Subalit hindi pa siya sumasagot. Although marami siyang kakilalang players dito, isa na ang matalik niyang kaibigan na si Jojo Cunanan. Minsan ay nakausap ko si Cunanan, wala pang confirmation si Helterbrand sa kanilang team. “Malabo pa ‘te si jayjay dito. Hindi nga siya sumisipot sa practice namin. ‘Di ko alam kung ano na ang nangyayari sa usapan nila,” ani Jojo, dating JRU player. Isa si Cunanan sa players ni coach Budz Reyes.
Excited din ang lahat sa paglipat sa Imus Bandera ng actor/player na si Gerald Anderson. Very athletic ang pangangatawan ni Anderson, kondisyon na kondisyon ito. Mabilis sa takbuhan at marunong dumiskarte sa loob ng court. Nakita ko na walang arte sa katawan ang actor pagdating sa paglalaro niya.
Congratulations kay coach Ralph Rivera ng Fatima University na nag- champion sa katatapos na PRISAA National Games 2019 na ginawa sa Davao City. Ang nakaharap ng Fatima ay ang University of Visaya- Cebu. Ang PRISAA ay walang pinagkaiba sa Palarong Pambansa. Blessing for Fatima University, lalo na kina coach Rivera at asst. coach Don Villamin. Dapat sana ay si Rivera ang head coach ng Rizal. Sa hindi malamang dahilan ay pinalitan siya ni Jayvee Gayoso. Ayon kay coach Rivera, babayaran ang kontrata nila ni Villamin. At baka maging consultant siya ng Rizal Xentro-Mall Golden Coolers.
May nakapagbulong sa akin na ang ilang kinuha ng isang bagong team ay mga benta ang laro. Sayang daw ang team na ito kung matutuloy ang pag-pirma ng kontrata ng mga kinuhang player. Sayang dahil ‘all out’ ang support ng team owners. Bilib ang mga team manager sa mga kinuhang players. Magiging kawawa rito ang coach. Kasi si head coach, laban kung laban siya at todo bigay ang pagtulong sa team. Sana bago magkapirmahan ng kontrata ay may magsabi kay coach para hindi siya masisi sa bandang huli. Gising!
Comments are closed.