NAGLULUKSA ang Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ni dating PNP Directorate for Comptrollership Major General Jose Victor ‘Jovic’ Ramos matapos ang halos walong buwang pagkaka-comatose nito nang bumagsak ang sinasakyang Bell 429 Chopper noong Marso 5, 2020.
Si Ramos ay co-passenger ni dating PNP Chief General Archie Gamboa at iba pang opisyal ng PNP na nakaligtas sa naturang aksidente.
Sa text message mula mismo kay PNP Chief Gen. Camilo Cascolan, kinumpirma nitong alas-12:07 ng madaling araw kahapon nang bawian ng buhay si Ramos.
Magugunitang, bumagsak ang sinasakyang helikopter ng mga PNP official sa San Pedro, Laguna na kung saan ay lumiyab pa ito dahilan para maging kritikal sina Ramos at dating PNP Intelligence Director Major General Mariel Magaway na nasa maayos ng kalagayan habang minor injuries naman ang tinamo ng ibang opisyal kasama na si Gamboa at dating PNP Spokesman Brig. Gen.Bernard Banac.
“The PNP is saddened by this news, in behalf of the PNP chief, the organization extends it’s condolences to the family and to the PMA Sinagtala Class of 1986,’ ayon sa statement na pinadala ni PNP Spokesman Col. Ysmael Yu.
Nabatid na ililibing si Ramos sa Eternal Gardens sa Sta. Rosa, Laguna. REA SARMIENTO
Comments are closed.