ANG starpreneur natin ngayon ay hindi artista, pero star siya in his own simple way. Sino ang hindi nakakakilala kay Henry Sy, Sr.? siya ang pinakamatagumpay na negosyante sa buong Pilipinas at isa sa pinakamayaman sa buong Asia. Alam din nating nagsimula siya bilang shoe-shine boy, at mula doon ay naitatag niya ang higanteng Shoemart conglomerate. Heto ang sikreto ng kanyang tagumpay, at sana’y may mapulot kayong aral.
Kapag sinabing Shoe Mart, o SM for short, iisa lamang ang maiisip ng mga Filipino – malling, dahil ito ang pinakamalaking retail behemoth ng bansa, at hindi lamang ito mall. Higit pa roon. Kinikilala ito at minamahal ito ng mga Filipino dahil may mga alaala sila isa sa mga ito. Pwedeng kabataan, pwedeng love story – napakarami. Malawak kasi ang kanilang serbisyo kung saan kasama ang shopping, sinehan, restaurants para mag-date o mag-party, ice skating – meron pang food court. Isipin na lamang na nagsimula itong maliit na tindahan lamang ng sapatos sa tabi ng Rempson sa Quiapo.
Isinilang at lumaki si Henry Sy sa Jinjang, Xiamen, China sa isang mahirap na pamilya. Lumipat sila sa Pilipinas noong 1936 at nagbukas ng maliit na tindahan sa Binondo, sa pag-asang aangat kahit paano ang buhay. Nang magkagiyera, ang World War II, nasira ang kanilang negosyo, pero nagpatuloy si Henry sa pagtitinda ng kung anu-ano, tulad ng mga lumang military combat boots at iba pang items ng mga sundalong Americano.
Mabenta ang sapatos na inaayos muna niya at pinakikintab bago ibenta. At doon nagsimula ang “Shoe Mart.” Sikat na rin noon ang Rempson sa sapatos, ngunit dahil mas mura ang sapatos sa Shoe Mart, naging mas mabenta ito. Kahit wala siyang makitang nagbebenta ng sapatos na gusto niya, nagpilit pa rin si Henry na itayo ang kanyang negosyo. And the rest is history.
Namatay si Henry noong 2019 sa eda na 94 na isang bilyunaryo. Maay naiwan siyang mga tagapagmana, ngunit mananatili ang kanyang pangalan sa mundo ng pagnenegosyo hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Mula sa pagre-repair ng lumang combat shoet hanggang sa pagbebeta ng mga high-end products kasama na ang mga high-end condominiums, titingalain mo talaga si Henry Sy.
Ngayon ay tahimik na siya. Marahil, nasa langit – at kung nasa langit nga, marahil ay nakasilip siya ngayon sa ulap at inaalam kung buhay pa ba ang kanyang alaala. NLVN