NANANATILING pinakamayaman sa Filipinas si shopping mall tycoon Henry Sy, ayon sa 2018 rankings na ipinalabas ng Forbes Magazine.
Umakyat naman sa ikalawang puwesto si dating Senate President Manuel Villar, pinalitan si taipan John Gokongwei, makaraang maging triple ang kanyang net worth sa lakas ng kanyang memorial park business.
Ayon sa Forbes, ang share price ng Golden Bria ni Villar ay lumundag sa 1,300 percent sa first quarter ng taon.
“Investors also saw Villar’s housing empire as building blocks for a possible telecommunications foray,” sabi pa ng magazine .
Ang 20 pinakamayaman sa Filipinas, ayon sa Forbes, ay ang mga sumusunod: 1. Henry Sy Sr ($18.3 billion); 2. Manny Villar ($5 billion);
- John Gokongwei Jr ($4.4 billion); 4. Jaime Zobel de Ayala ($4 billion);
- Enrique Razon Jr ($3.9 billion); 6. Tony Tan Caktiong ($3.85 billion);
- Lucio Tan ($3.8 billion); 8. Ramon Ang ($2.85 billion);
- George Ty ($2.75 billion); 10. Andrew Tan ($2.6 billion); 11. Inigo and Mercedes Zobel ($2.5 billion); 12. Isidro Consunji family ($2.45 billion); 13. Lucio and Susan Co ($1.5 billion); 14. Eduardo Cojuangco ($1.4 billion); 15. Robert Coyiuto Jr ($1.3 billion); 16. Roberto Ongpin ($1.25 billion); 17. Mercedes Gotianun ($1.15 billion)
- Ricardo Po Sr ($1.05 billion); 19. Dean Lao ($950 million); at
- Beatrice Campos ($700 million).
Comments are closed.