KINONTRA ng Bulacan Provincial Police ang ulat ng Amnesty International na tuloy-tuloy ang extrajudicial killings at sa Bulacan ang pinakamadugong “killing field” pagdating sa drug war ng gobyerno.
Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan, base sa kanilang talaan, mas marami ang kanilang nahuhuli at napa-pasuko sa mga police operation kumpara sa mga nasasawi.
Giit ni Bersaluna, kung mayroon mang mga napatay na drug suspect, ito ‘yung mga nanlaban o gumamit ng “violent resistance”.
Dagdag pa ng hepe ng Bulacan Police, iginagalang nila ang karapatang pantao at kasama na rito ang karapatan ng mga suspek at kriminal.
Una nang pinabulaan ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde ang report ng Amnesty International at tinawag ito na “stereotype.”
Base sa ulat ng Amnesty International mula May 2018 hanggang April 2019 mayroong 20 drug operation ang ikinasa sa Bulacan at sa mga operasyong ito 27 drug suspect na ang namatay. REA SARMIENTO/A.BORLONGAN
Comments are closed.