BULACAN-PATAY ang isang retiradong opisyal na hepe ng Civil Security Unit ng Kapitolyo nang tambangan ito habang sakay ng government vehicle ng hindi pa nakikilalang mga salarin na lulan ng motorsiklo sa Bambang Bridge sakop ng Barangay Iba Este,Calumpit lalawigang ito noong Miyerkules
Kinilala ang biktima na si dating Bulacan Provincial Director Police Colonel Fernando Villanueva, 61-anyos,residente sa Pampanga na namatay noon din bunga ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Nabatid na bandang ala-5:50 ng hapon noong Miyerkules, habang binabagtas ni Villanueva ang kahabaan ng Marcos Highway na sakay ng goverment ve-hicle na kung saan ay nakaupo ito sa passenger seat nang biglang paputukan sila ng mga suspek na nag-aabang sa tulay na sakop ng Barangay Iba Es-te,Calumpit.
Kahit sugatan ang biktima ay nagawa pa nitong makababa sa sasakyan para makapagtago subalit sinundan pa rin siya ng mga suspek saka muling pinagbabaril at nang matiyak na patay na ito ay agad tumakas ang mga salarin.
Hindi naman nasugatan at hindi ginalaw ang drayber ng biktima na inilarawan ang mga suspek na pawang kabataan.
Isang massive manhunt operation ang isinasagawa ng Bulacan PNP para mahuli agad ang mga suspek.
Si Villanueva ay naging chief of Police ng ibat-ibang bayan sa nasabing lalawigan bago naitalagang Police Director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at kilalang rebel hunter na minsan nang nasugatan sa engkuwentro laban sa mga rebelde sa Pandi,Bulacan noong 1990s at nang magretiro ay itinalagang Provincial Jail Warden ng Provincial Jail at kasalukuyang hepe ng Civil Security Unit ng Kapitolyo ng Malolos. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.