HEPE NG MPD STATION 9 INATAKE SA PUSO

inatake sa puso

INATAKE sa puso ang Station Commander ng Manila Police District (MPD) Station 9 na si Lt. Col. Michael Garcia.

Agad itong isinugod sa Manila Medical Center makaraang mahirapang huminga.

Ayon sa mga doktor, cardiogenic shock secondary to acute coronary syndrome-myocardial infection ang ikinamatay ni Garcia.

At lumabas naman sa pagsusuri na negatibo ang opisyal sa  COVID-19.

Gayunpaman, inatasan pa rin ng pamunuan ng MPD ang lahat ng kanilang mga personnel na nagkaroon ng close contact kay Garcia na makipag-ugnayan sa bawat units para mamonitor ang kanilang mga kondisyon.

Nabatid din na may dalawang opisyal ng MPD ang nasa isolation facility ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos mag-positibo sa COVID-19.

Comments are closed.