HEPE NG PNP SINIBAK DAHIL SA PAGLABAG SA HEALTH PROTOCOL

Pulis

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Dolores Municipal Police Station sa Quezon province dahil sa umano’y paglabag nito sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) ukol sa mga social gathering.

Ayon kay Police Brig. Gen. Felipe Natividad, direktor ng Calabarzon Police, pansamantala munang inalis niya sa posisyon si Capt. Joseph Ian Java habang iniimbestigahan ang ulat na sangkot ito sa isang “social gathering.”

Dahil dito, pansamantalang itinalaga bilang officer-in-charge ng Dolores MPS si Police Lt. Almario dela Rosa.

Nabatid na naglabas ang PNP ng direktiba na nagbabawal ng “social gatherings, parties and other similar activities,” lalo umano ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ipinagbabawal ang mga pagtitipon ng mga tao bilang hakbang laban sa COVID-19 na nakapanghawa na ng 462,815 sa Filipinas.

Nauna rito, pinaalalahanan ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang mga pulis na mahigpit na sumunod sa health protocols. VERLIN RUIZ

Comments are closed.