BULACAN–INIHALAL muli si Provincial Information Officer Maricel S. Cruz bilang Chairwoman ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development (PAGPTD) sa ginanap na “Espesyal na Pagpupulong: Election of Officers” sa Camp General Alejo S. Santos, Capitol Compound sa lungsod ng Malolos kamakailan.
Bilang tagapangulo ng PAGPTD na kikilalaning ‘Advisory Group’, bukod sa pangkalahatang mga responsibilidad na ibinigay ng nasabing grupo, kabilang sa kanyang mga gawin ang pangunahan ang mga pulong ng Advisory Group kabilang ang pagtukoy, pagtakda, pagtalakay at pagtugon sa mga agenda ng pulong, pangasiwaan ang policy-development process ng grupo; koordinasyon ng interes ng grupo sa PNP’s governing body na Command Group; at katawanin ang Advisory Group sa iba’t ibang gawain at aktibidad.
Inorganisa at itinatag ng Philippine National Police (PNP) ang PAGPTD upang tuwirang maipatupad ang mga plano, programa at aktitibidad nito.
Ani Cruz, isang karangalan para sa kanya ang maging bahagi ng organisasyon na layong patuloy na suportahan ang epektibong implementasyon of PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 (Peace and order Agenda for Transformation and upholding of the Rule of Law).
Tumanggap ng Gold Eagle Award mula sa Bulacan PPO dahil sa kanyang di-matatawarang kontribusyon bilang PAC chairman noong 2019.
“Thank you for the trust and confidence. I will always be committed to this organization and help in ways possible to attain the PNP’s vision towards rendering a highly capable, effective and credible police service,” ani Cruz.
Sa loob ng ilang taon, nanungkulan si Cruz bilang tagapangulo ng Provincial Advisory Council.
Siya din ang kasalukuyang Provincial Information Officer ng Provincial Public Affairs Office, ang ‘communication arm’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Bukod dito, isa rin siya sa mga tagapayo ng asosasyon ng Information Officers of Bulacan o InfoBul at Bise Presidente ng Confederation of Department of Education Bulacan Parents-Teachers Association (PTA) for SY 2018-2019 at marami pang iba. MARIVIC RAGUDOS