HEPE NG PULISYA, 9 PA POSITIBO SA COVID-19 (1 naman nasawi)

positive

ISABELA-ISANG kagawad ng pulisya ang kumpirmadong nasawi sanhi ng COVID-19 dakong alas-12 ng hatinggabi sa isang pribadong hospital sa Cauayan City ng nasabing probinsiya.

Ang nasawing pulis ay 44-anyos, miyembro ng Cauayan City Police Station residente ng San Fermin, Cauayan City, Isabela na ayon sa mangagamot na sumuri ay nakaranas ito ng ubo, sibon, at lagnat.

Nabatid na isinailalim na ang nasabing pulis sa quarantine facility sa Barangay Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela nang makaramdam ito ng hirap sa paghinga kung kaya’t isinugod sa hospital kung saan binawian ng buhay.

Napag-alamang bago nasawi ang biktima, may siyam na miyembro ng Cauayan City Police Station ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalu-kuyang isinasailalim na sa quarantine habang isinasagawa na ang contact tracing sa kanilang nakasalamuha.

Samantala, kauna-unahang nagpositibo sa C0VID-19 sa bayan ng Burgos, Isabela  ang hepe ng Burgos Police Station na si P/Capt. Fernan-do Malillin.

Kinumpirma ito mismo ni Malillin na nananatili siya asymptomatic na sumailalim  sa  swab test noong Sabado, Enero 2 matapos makasalamuha ang mga nagpositibo sa virus na kaagad naman nagpakonsulta sa doctor ng RHU Burgos at agad na pina-isolate at nag-home quarantine ng pitong araw makaraang magpositibo ito. IRENE GONZALES

Comments are closed.