HEPE NG TANOD ARESTADO SA BALA, BARIL

GUN AND AMMO

BULACAN – ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang hepe ng barangay matapos mahulihan ng mga baril at bala sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bigte, Norzagaray kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Kinilala ni Supt. Mark April Young ang suspek na si Ex-O Dioscoro Madrid Y Magsipoc,46-anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Inaresto si alyas Coro sa bisa ng search warrant na inilabas ni Branch 16 vice executive judge Sita Jose Clemente sa kasong paglabag sa RA 10591.

Nakuha mula sa suspek ang isang 12 guage shot gun at isang Armscor cal.38 na baril at mga bala.

Ayon kay Ex-O, Madrid kailangan n’yang magpundar ng gamit dahil marami na siyang natatanggap na banta sa kanyang buhay.

Kaya kailangan n’yang idepensa ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya mula sa mga pamilya na kanyang ipinahuli sa ilegal na droga.

Nabatid na walang kaukulang mga dokumento ang na-recover na mga armas. THONY ARCENAL

Comments are closed.