HERBERT BAUTISTA BABALIK SA INDUSTRIYA NG PELIKULA

HERBERT BAUTISTA

NAMAALAM na bilang Kyusi Mayor si Herbert “Bistek” Bautista mula sa kanyang chizmaxtatlong dekadang pagseserbisyo sa mga taga-Quezon City.

Ayon sa aktor-politiko, babalik na siya sa pribadong buhay at nang ma-experience naman ang pagiging isang ama, kapatid, tito, pero hindi raw muna ang pagkalolo.

Matatandaang lumalaki na ang mga anak ni Bistek na hindi niya masyadong nagampanan ang pagiging ama dahil sa tagal niya bilang public servant.

Hindi maiwasang ma­ging emosyonal ang dating mayor ng Kyusi habang nagpapaalam siya sa mga staff at sa mga mamamayan ng lunsod.

Ani Bistek: “After more than three decades of serving the public, I shall become a private citizen and experience life as a father, a brother, a tito, and hopefully not yet a lolo.”

Ang personal goals na gagawin daw ng dating Kyusi Mayor unang-una, ay ang magpaka-ama sa kanyang mga anak.

Nasabi rin noon ng butihing mayor na kapag wala na siya sa politika ay babalikan niya ang industriya.

Hindi naman eto itinanggi ng kapatid niyang  si Harlene. Aniya, “Gusto niya… parang napag-uusapan namin ‘yung about the productions (Heaven’s Best Entertainment). Kung ano ‘yung direksiyon na gustong mangyari, ‘yung mga puwedeng gawin. And siya, siguro mayroon pa rin siyang ibang gagawin.”

TONI GONZAGA PROUD DABARKADS PA RIN

FORTY years na ang ‘Eat Bulaga at sa apat na dekadang lumipas, hindi Tony Gonzaganakalilimutan ng GMA 7 noontime show na naging ka-parte nila sa pagho-host si Toni Gonzaga.

Sa socmed ng PBB host ay pinost niya ang gift na ipinadala sa kanya ng ‘Eat Bulaga.’

Kahit three years lang nakatrabaho ng Dabarkads (2002-2005) si Toni ay pinadalhan nila ng gifts ang TV host kung saan na-touch ang TV host-actress sa gestures ng Dabarkads family.

Napakasimpleng caption ang nilagay ni Toni sa IG, “Thank you @eatbulaga1979 (heart emoji).”

Ibinahagi rin ng PBB host ang short note mula sa Dabarkads. “Certified bahagi ka ng Eat Bulaga!”

Ani Toni: “Proud dabarkads here! (heart emoji).”

RICHARD TUTULUNGAN SI BEAUTY NA ‘MAKABANGON’

NASA third season na ang “Kadenang Ginto.” At sa teaser na pinakikita ay papasok Richard Yapang karakter ni Richard Yap.

Bale, balik-serye si Richard Yap after niyang pasukin ang politika dahil tumakbong congressman sa kanilang lugar sa Cebu nitong nakaraang eleksiyon. Sa kasamaang palad ay hindi pinalad na manalo ang businessman-actor.

Gagampanan ni Richard ang karakter ni Leon na siyang business-partner ni Beauty Gonzales a.k.a. Romina, ang lalaking tu-tulong kay Romina para makabangon muli.

Last na teleseryeng nilabasan ng tsinitong-aktor ay ang “Sana Dalawa Ang Puso” with Jodi Santamaria at Robin Padilla.

Balita namin ang “Kadenang Ginto” ay 2020 pa magtatapos kaya ma­tagal-tagal din ang appearance ni Richard.

KRIS MULING NAGBOLUNTARYONG NINANG NI ANGEL SA KASAL

BUMABAHA sa online world ang congratulations mula sa celebrities man o mga kris aquinocommon tao para sa newly-engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Lahat sila ay masaya para sa maganda at mahusay na aktres ng “The General’s Daughter.”

Sa IG post ng celebrity couple simpleng proposal lang ang ginawa ng movie producer na si Neil para sa aktres.

Lahat nang bumati kay Angel ay kanyang sinasagot Kapamilya man o Kapuso.

Si Kris Aquino na kung tawagin niya ay ‘ate’ ay isa rin sa bumati sa engaged couple.

May kasamang tanong ang pagbati ng Queen of All Media kay Angel.

Ani Krissy: “ninang pa rin ba ako?” Sagot ni Angel, “@krisaquino Yes please ate!!! Please be our ninang!” Dinugtungan pa ni Kris ng “naghanda ka Gel, ganda ng nails eh..

“Ayokong ma-bash mo ninang!!! Hahaha… love you ate,” sagot naman ng aktres.

Matatandaang nagboluntaryo ang TV host-actress na maging ninang ni Angel sa kasal nu’ng kasalukuyang boyfriend pa nito si Luis Manzano.

Wala pang detalye kung kailan at saan magaganap ang kasal.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens ang engagement ring na suot ni Angel. Nangungusap daw ito dahil sa laki ng bato ng singsing, huh!!!

Ayon kay Angel, siya man daw ay kinakabahan, pero masaya sa bagong yugto ng tatahakin niyang buhay.

Sa ngayon ang paghahandaan daw nila ng fiancé ay ang paghahanap ng venue at wedding planner.

Samantala, may nag-react sa sagot ni Angel nang batiin siya ni Kathryn Bernardo.

Ani Angel, “salamat kath… susunod na rin ba kayo… hehehe?”

Heto naman ang tanong ng isang netizen, “kelan naman kaya sina Luis at Jessy? May plano bang magpakasal ang da­lawa?”

‘Yun na!!!

Comments are closed.