HERD IMMUNITY NAKAMIT NA

INIHAYAG ng pamahalaang lokal ng Las Piñas City na nakamit na nito ang herd immunity dahil sa disiplinang ipinakita ng mga residente bukod pa sa kagustuhan na mapagkalooban ng bakuna laban sa COVID-19.

Anang pamahalaang lokal, natupad na ang ‘Christmas wish’ matapos maturukan ng unang dose ng bakuna ang 99.9 porsiyento ng mga residente at 90.6 porsiyento naman ang nabigyan ng ikalawang dose sa kabuuang 447,086 populasyon ng lungsod.

Pinasalamatan ang mga residente dahil hindi namili ng ituturok na bakuna sa kanila at kusang nagpabakuna ng kahit ano pang brand ang ipagkakaloob sa kanila.

Sa isinumiteng bagong record ng City Health Office (CHO), kapuna-puna na ang mga residente ng

lungsod ay bukas sa pagtanggap ng pagbabakuna para sa kanilang kaligtasan laban sa COVID-19.

Idinagdag pa, naitala na ang mga senior citizen na napapabilang sa ilalim ng A2 category ang pinakamaraming indibidwal na nabakunahan na mayroong 95 porsiyento na sinundan naman ng mga economic frontliners na napapabilang sa kategoryang A4. MARIVIC FERNANDEZ

One thought on “HERD IMMUNITY NAKAMIT NA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *