HERD IMMUNITY SA Q1 PA

POSIBLENG  sa unang quarter pa ng susunod na taon makakamit ang herd immunity sa bansa.

Sa pagdinig pa rin ng House Committee on Appropriations sa 2022 budget ng Department of Health (DOH), naitanong ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez kung kakayanin bang makamit ng bansa sa Disyembre ang 70% target population para sa herd immunity.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kung pahihintulutan ang tuloy-tuloy na suplay ng bakuna, mangangailangan ng 500,000 hanggang 600,000 na doses ang maiturok na COVID-19 vaccines araw-araw.

Kung ganito aniya ang mangyayari ay magagawang makamit ang herd immunity sa ikalawang buwan ng first quarter ng taong 2022.

Dagdag pa ni Duque, batay sa pinakahuling data ng Department of Finance (DOF), inaasahan ang pagdating ng 195 million doses ng COVID-19 vaccines sa katapusan ng taon.

Dahil sa buhos ng bakuna bago magtapos ang 2021 ay inaasahang lalagpas pa sa 70% ang herd immunity. Conde Batac

86 thoughts on “HERD IMMUNITY SA Q1 PA”

  1. 108545 50100Outstanding post, I conceive internet site owners ought to learn a good deal from this weblog its real user pleasant. 139956

Comments are closed.