Here comes the bride

Way back in 1850, nilikha Ng German composer na si Richard Wagner ang operang Lohengrin, na bahagi ang tugtog na may titulong ”The Bridal Chorus.” Mula noon hanggang sa ngayon, brides are still walking down the aisle gamit ang tugtog na ito. Tinatawag ito ng iba na “Bridal March.” Ngunit mas kikala itong “Here Comes the Bride Song.”

Ngayon ay buwan ng Hunyo, at kahit tag-ulan, marami pa ring nagpsoakasal — nangangarap na maging June Bride.

“Here Comes The Bride,
All dressed in white
Sweetly serene in the soft glowing light
Lovely to see, marching to thee
Sweet love united for eternity.”

Iyan ang liriko ng martsa sa kasal na nangangako ng habambuhay na pagmamahalan.

Pero ano ang point ng pagpapakasal kung maghihiwalay din naman pala?
Well, marriage is the ultimate commitment. Wala namang nagpakasal na ang Plano ay maghihiwalay pagkaraan ng ilang taon. Lahat ng nagpapakasal, umaasang habambuhay silang magsasama.

Kahit ang mga couples na matagal nang nagsasama, nangangarap pa ring magpakasal isang araw — kung may pagkakataon. Kasi, hindi masasabing totoong mag-asawa kung walang panghahawakang papel.

They feel more at ease once sa sandaling magkaroon sila ng vows. At “sa marami, nagbibigay ng seguridad ang kasal, meaning, hoy, akin ka na at hindi ka na pwedeng umurong”.

Para sa akin, ang kasal ay isang eksklusibong kasunduan ng dalawang tayong nagmamahalan, kung saan, dapat ay kayong dalawang lamang ang nasa loob ng isang eksklusibong bilog na sayaw. Kung may lalampas sa linya, may pananagutan ang bawat isa. Kung may magtatangkang makisayaw, dapat ay alam mong magtaboy.

Ang kasal ay kapirasong papel lamang, ngunit papel na sintatag ng pader at sintigas ng bakal.

Kapwa responsible ang babae at lalaki upang mapatatag ang kanilang pagsasama. Hindi totoong babae ang nagdadala ng pamilya. Hati sila sa responsibilidad, kaya kapag sumablay ang pagsasama, kapwa sila may pagkukulang.

Ang kasal ay transformative act, kung saan nagbabago ang pagtingin ng dalawang tao sa isa’t isa, sa kanilang hinaharap, at sa role nila sa society.

Heto ang dalawang tayong magkaiba ng lugar at paraan ng paglaki, ngunit magsasama habambuhay dahil sila ay ikinasal.
Salubungin ng masigabong palakpakan ang mga bagong kasal! RLVN