Herlene Budol agaw- eksena sa GMA7 Gala Night

Pinag-uusapan ngayon ng mga walang magawang bashers ang comedienne and beauty queen na si Herlene Budol matapos madapa at mahilig sa stage ng GMA Gala 2024 noong Sabado, July 20, 2024 sa Manila Marriott Hotel.

Sinadya raw ito ni Herlene para makakuha ng atensyon.

Ibabandera sana ni Herlene ang kanyang gown na gawa ni Leo Almodal na tinawag nilang “Birth of Venus, ” na inspired ng painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli.

Kaso, batay sa video online ay hindi sinasadyang naapakan ni Herlene ang dulo ng gown, dahilan kaya siya nasubsob.

Tinulungan naman si Herlene ng mga tao na tumayo.

May mga netizens namang nagpaabot ng suporta kay Herlene, pero mas marami ang nanlait, as if ang gaganda nilang lahat.

Heller, hindi naman Tanga si Herlene para sirain ang kanyang moment, para lang makakuha ng atensyon. In the first place, sobrang ganda ng gown at bagay na bagay sa kanya. Kahit hindi siya nadapa, I’m sure pag-uusapan yon. Kaso nga, nadapa. Nawalan tuloy ang focus sa gown.