HERO BAUTISTA NAKABANGON SA PINAGDAANANG BANGUNGOT

HERO BAUTISTA

HINDI ikinahihiya ni Hero Bautista na may pinagdaanan siya noon dahil nalulong The pointsiya sa masamang gamot.

Aware rin siya na puwedeng gamitin ito ng mga  kalaban niya sa politika laban sa kanya.

Gayunpaman, hindi naman siya nabo-bother dahil matagal na siyang nakahulagpos sa bangungot na dala ng kabanatang iyon ng kanyang buhay.

“Ang importante, nagawa mong magbago at bumangon at naging kasangkapan ka para makatulong sa ibang tao,” sey niya.

Nagpapasalamat din siya dahil sa suporta ng kanyang pamilya para sa kanyang muling pagbangon.

“Sobrang thankful din ako sa mga kapatid ko dahil nakatulong sila sa second lease in life ko,” pagbabalik-tanaw niya.

Tulad ng kanyang kanyang  kuyang si Herbert na nagsimula sa pag-aartista, tinahak din ni Hero ang landas patungo sa pulitika.

Happy siya dahil na­bigyan siya ng pagkakataon ng kanyang mga constituent para mapaglingkuran ang mga ito.

“Iyong public service ay isang bagay na ipinamana sa amin ng ama. Kaya nga kami ni Kuya, siya iyong nagmulat sa amin na kung ano talaga ang tunay na serbisyo publiko,” aniya.

Tulad ng kanyang ku­yang si Herbert at kapatid na film producer at dating That’s Entertainment alumnus na si Harlene, nasa dugo din ni Hero Bautista ang pag-arte.

Katunayan, nagsimula siya bilang child star at kahit noong bata pa siya ay nakitaan na siya ng potensyal sa pag-arte.

Nanalo siya ng Famas best child actor sa pelikulang Roberta noong 1979.

Lumabas din siya sa iba’t ibang  pelikula tulad ng El Presidente at Gangster Lolo at ang huli nga ay sa cameo role sa multi-awarded movie na “Rainbow Sunset” na naghakot ng maraming awards noong nakaraang 2018 MMFF at patuloy na humahakot pa ng awards sa mga international filmfest.

Kagaya ni Herbert, may flair din sa comedy si Hero.

Muling tumatakbo si Hero bilang konsehal sa ikaapat na distrito ng Quezon City.

Kung mare-reelect bilang konsehal, gustong ipagpatuloy ni Hero ang mga programang nasimulan niya sa Quezon City.

Maraming programang para sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan at  pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod ang gustong pag-ibayuhin ni Hero.

GOV RAMIL HERNANDEZ  WAGI NG FAMAS

EXCELLENCE IN PUBLIC SERVICE AWARD

GOV RAMILKUNG serbisyong publiko ang pag-uusapan, hindi ito matatawaran ang naging ambag ni incumbent Laguna governor Ramil Rodriguez para isulong ang kapakanan ng kanyang mga kalalawigan.

Kaya naman, hindi katakataka kung gawaran siya ng prestihiyosong FAMAS ng Excellence in Public Service award kamakailan.

Sey niya, tropeo niyang maituturing ang makapag­lingkod sa kanyang mga kababayan.

Malawak ang karanasan niya sa pamamahala dahil bukod sa naging student leader, nagsilbi rin siya sa gobyerno mula pagiging SK president, councilor, vice governor at ngayon nga ay governor.

Mula nang maupo, isinulong na niya ang pamahalaang nakaugat sa serbisyong tao at hindi sa propaganda o paninira dahil iyan ang kanyang mandato bilang ama ng lalawigan ng Laguna.

Comments are closed.