BINIGYANG pagkilala ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang 88 nasawing Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating sa bansa mula sa Saudi Arabia.
Ipinaabot din ng kalihim ang kanyang pakikidalamhati sa naiwang pamilya ng mga nasa-wing OFWs
Naiuwi na sa bansa kahapon ang mga labi ng 88 OFWs mula sa Saudi Arabia na kung saan binigyan ang mga ito ng heroes welcome na isinagawa sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Nakibahagi si Locsin sa mga government official na sumalubong sa deceased OFWs
Ang DFA ay katuwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay tumutulong para sa repatriation ng mga OFWs na namatay sa Saudi Arabia. LIZA SORIANO
Comments are closed.