Manila is in full celebratory mode as it prepares to welcome Olympic gold medalist Carlos Yulo with a grand parade on Tuesday. Tarpaulins honoring the gymnast adorn major thoroughfares, reflecting the city’s pride in his historic double gold win at the 2024 Paris Olympics. Photo by NORMAN ARAGA
ISANG hero’s welcome ang ihahandog ngayong araw ng Malacanang kay two-time Olympic champion Carlos Yulo at mga atletang lumahok sa 2024 Paris Olympics.
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Presidential Protocol Chief Reichel Quiñones na nais ng Pangulo na matiyak na magiging pribadong pagsalubong ang gaganapin sa pagdating ng mga atleta.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang sasalubong sa mga ito kung saan ay gagawaran ng pagkilala ang mga atleta sa pangunguna ni Yulo.
Matapos ang awarding ceremony ay magkakaroon ng dinner reception para sa mga atleta.
Sinabi ni Quiñones, hindi lahat ng nakilahok sa Paris Olympics ay makakarating sa Palasyo dahil may ilan sa mga ito na didiretso sa iba pang kompetisyon
Gagawaran ng Presidential Medal of Merit si Yulo at cash incentives habang sina Aira Villegas at Nesthy Peteco na kapwa bronze medalists sa boxing ay gagawaran din ng Presidential Citations at cash incentives.
Ang mga atleta ay inaasahang darating sa bansa dakong alas-6 ng gabi at sasalubungin ng kanilang mga pamilya sa Maharlika Hall ng Villamor Air Base sa Pasay City.
EVELYN QUIROZ