HI-TECH MOBILE APP SA PARKING SPACES

Ariel Inton

NAKATAKDANG ilabas at ipresenta ngayong araw ng Lunes sa Quezon City Memorial Circle ang isang pinakamodernong solusyon kaugnay sa tumitinding problema sa parking sa lansangan ng Metro Manila.

Inaasahang pangu­ngunahan ito ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at ng Dibztech Incorporated.

Sa pamamagitan ng bagong mobile parking app ay maiibsan ang pagsisikip sa lansangan ng mga nakahambalang na mga sasakyan na madalas nakikita kung saan-saan.

Ayon kay LCSP founder Atty. Ariel Inton, sa pamamagitan ng naturang makabagong mobile app ay mabilis na makahahanap ng parking space ang mamamayan na nagmamadali mula sa kanilang pagpasok sa mga trabaho, eskwelahan at iba pa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.