ISANG samahan na pinagtibay ng pagkakaibigan. Mula nang magsanib-puwersa sina Domi Corpus at Lito Guerra ay malayo na ang kanilang narating sa industriya ng manok panabong at maging sa shipping business ng manok mula Amerika patungong Filipinas, Hawaii, Guam, Cambodia at Vietnam.
Nakilala ang HIACE SHIPPING sa larangan ng pag-aasikaso at pagpapadala ng manok pati na rin sa buong Filipinas na magaling na pinatatakbo ng butihing maybahay ni Domi Corpus na si Rhia Corpus. Tulad ng maraming nagtatag ng anumang negosyo, ang HIACE SHIPPING ay dumaan sa napakaraming pagsubok na kung minsan ay panghihinaan ka ng loob subalit kung ito ay iyong hilig, mataas ang porsiyentong makakamit mo rin ang minimithing tagumpay sa negosyong ito.
Marahil dahil na rin sa sipag at tiyaga nina Domi at Rhia, sila ngayon ang nangungunang shipper mapa-Amerika o sa buong Filipinas. Libo-libong manok na galing Amerika na binili ng mga nagpapalahi o gamefowl breeders ang dumarating sa bansa upang i-upgrade at lalong pagandahin ang mga lahi ng manok panabong. Dito pa lamang ay malinaw na isang magandang pagkakakitaan ang shipping ng mga manok at isang uri ng negosyo na parte ng patuloy na lumalagong gamefowl industry.
Bukod sa shipping ay nagpapalahi na rin ang HIACE SHIPPING, katuwang ang CHOCOLATE FARM ni MANG LITO GUERRA sa Indang, Cavite ng TOP QUALITY GAMEFOWLS na galing sa mga kinikilalang American breeders tulad nina DINK FAIR, LARRY ROMERO, MEL SIMS, JOE SANFORD, RAT GRAVES, GARY GULLIAM,BRIAN ANGEL at marami pang iba. Si DOMI CORPUS ang naghahanap o scout kasama si MANG LITO GUERRA. Sa uri ng labanan dito sa ating bansa ay kailangang tuloy-tuloy ang pag-upgrade at pagpapagaling ng mga manok panabong. Sa ngayon ay ‘di na pahuhuli ang mga palahi nina Mang Lito Guerra at Domi Corpus at katunayan nga nito ay napakarami na nilang mga parokyano na bumibili ng kanilang palahi saan mang sulok sa bansa.
Bukod pa rito ay pumasok na rin sila sa pagbebenta ng ONE DAY OLD CHICKS. Sabi nga ni Mang Lito, “Pumasok na rin kami sa pagbebenta ng mga sisiw dahil na rin sa dami ng mga nakikiusap na ‘di kayang bumili ng mga tandang at inahin. ‘Di hamak na mura ang mga sisiw ngunit matagal pang alagaan at ‘di pa sigurado kung sila ay mabubuhay o hindi. Shipment ng manok, pagpapalahi, pagbebenta ng sisiw ay iilan lamang sa mga negosyong patok sa industriya ng sabong.
Ngayon ay pumasok na rin si RHIA CORPUS sa pagbebenta ng accessories o equipments na gamit sa pagmamanok tulad ng FLYING PENS, BATTERY CAGES, SCRATCH PENS at marami pang iba. Kung tutuusin, ang potensiyal ng negosyong ito ay napakaganda rin dahil sa laki ng bilang ng mga manok panabong o populasyon ay hindi maaaring wala silang kulungan dahil alam naman natin na sila ay maglalaban at magpapatayan dahil na rin sa kanilang katangian na territorial at pinoprotektahan ang kanilang mga dumalaga at inahin.
Dahil sa tapang na taglay ng mga sasabunging manok ay hindi maaaring wala silang kulungan o individual pens. Talaga pong nakamamangha na ang laki ng industriyang ito kaya napakaganda ng opportunities na dala ng sabong. Ilan lamang po ito sa mga negosyong malaki ang potensiyal na maaring pasukin.
Sa mga gustong bumili at matutunan ang negosyong ito ay maaaring makipag-ugnayan kina Rhia Corpus sa telepono bilang +63 977 825 0214 at Mang Lito Guerra sa 0977 447 9526.
Inaanyayahan ko po kayong lahat na dumalo sa darating na WORLD GAMEFOWL EXPO, sa Enero 18-20, 2019 at dito po ay makikita ninyo ang masigla at patuloy na lumalagong hilig ng mga Filipino. Dito rin ay mapapansin ninyo ang mga negosyong magandang pasukin sa industriya ng manok panabong.
Maraming salamat po at hanggang sa susunod na Linggo.
Comments are closed.