HIDILYN DIAZ, TUNAY NA MANDIRIGMANG MAKABAGONG PANAHON

HIDILYN DIAZ

Nagbahagi ang beteranang ­weightlifter tungkol sa kanyang ­paghahanda para sa Summer ­Olympics, ang kanyang misyon para sa bayan, at ang kanyang ­katuwang sa maraming laban sa buhay.

MARAMING mukha ang mandirigma ng makabagong panahon, lalo na ngayong may pandemya. Maaaring siya ang delivery rider na nagdadala ng take-out orders.  O ang transport driver na naghahatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon. O di naman kaya, ang pharmacist na nagtitinda ng gamot at vitamins sa botika. Marami ding mga tao na hindi man mayaman, ay kusang nagbabahagi ng kanilang oras at kakayahan upang makatulong sa mga community pantries. Milyon-milyon silang araw-araw ay lumalaban sa hamon ng buhay, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kapwa at bayan.

Bilang isang pagpupugay, inilunsad ng Alaxan FR, isang kilalang brand ng gamot para malabanan ang sakit ng katawan, simula noong Labor Day ang ‘Mandirigmonth’ campaign bilang pagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan na simbolo ng sipag at tiyaga sa kabila ng araw-araw na hirap, pagod, at sakit ng katawan. Tugmang-tugma ito sa tagline ng brand na “Tapos ang sakit ng katawan. Tapos ang laban.”

Mayroon ding mga ipi­namahaging ‘Laban Lang Gears’ na naglalaman ng essentials na maaring magamit ng mga modern day warriors sa kanilang commute sa trabaho at mapagtagumpayan ang mga hamon na maari nilang harapin sa araw-araw.

Speaking of modern day warriors, ang Olympic medalist at isa ring Alaxan FR brand ambassador na si Hidilyn Diaz ay nakatakdang lumaban sa Summer Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan. Excited at mataas ang fighting spirit ni Hidilyn habang nagkukuwento tungkol sa kanyang paghahanda para sa nalalapit na kompetisyon.

“Kakagaling lang namin sa Asian Championship pero tuloy ang laban dahil mandirigma tayo,” masa­yang bungad ni Hidilyn na kasalukuyang nasa Malaysia at patuloy na nagsasanay.

TUNAY NA MANDIRIGMA

Una nang nai-ulat na nasungkit ni Hidilyn ang ika-apat na pwesto sa Asian Weightlifting Championship na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan. Nagtala si Hidilyn ng 94kg sa snatch category at 118kg naman sa clean and jerk. Ito ang nagpaigting ng kanyang kwalipikasyon para mapa­sama sa nalalapit na Olympic event sa Tokyo, Japan.

“Akala ko noong una, imposibleng magkaroon ng laro, imposibleng maka­alis sa Malaysia, imposible na makaka-apak ako sa international platform, at imposible na ma-meet ko ang 6th Olympic qualifying competition na required para makapagqualify ako sa Summer Olympics… but with God, all things are possible.”

Sa likod ng tagumpay na ito, hindi alam ng marami ang mga pagsubok na pinagdaanan, hindi lang ni Hidilyn, kundi maging ng kanyang team of coaches simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.

Na-stranded kasi sila sa Malaysia matapos i-deklara ng gobyerno nito ang national lockdown dahil sa pandemic. Nakatakda sanang lumipad patungong Colombia si Hidilyn para lumaban sa Ibero-America Open Championships, isa sa mga Olympic-qualifying competitions. Ngunit nagsara ang mga borders, na-postpone at na-kansela ang mga competition, at pinauwi sa kani-kanilang bansa ang mga atleta.

“Mahirap na part noong nangyari ang lockdown all over the world, ‘di namin alam ang gagawin, kung ano ang next move. Wala rin kaming kilala dito sa Malaysia, walang connection, ‘di namin alam ang lugar, at ano ang mga bawal at pwede… Then syempre, during this moment, ‘di maiwasan na magka-anxiety, mag-overthink, may takot at na-miss ang pamilya…”

Dahil hindi makabalik ng Pilipinas, naging challenge para kay Hidilyn ang training. Dito naging creative ang dalaga at ang kanyang mga coach. Ginamit nila ang mga maluluwag at bakanteng parking lots, mga galon ng tubig, at maging ang mga mabibigat na metal gates sa tinutuluyang condo. Ito ang naging gym, weights, at monkey bars ni Hidilyn.

“Gagawin ang lahat basta makapag-training. Mula sa mga galon ng tubig naging bag na may laman ng galon ng tubig. Pati gate ‘di pinalampas. ‘Yan ang atletang Pinoy, ‘di sumusuko at madiskarte!

“Mahirap ma-lockdown at hindi makapag-training pero kailangan maging proactive at gumawa ng paraan.”

 #LABANLANG

Sa Hulyo na nakatakdang ganapin ang Summer Olympics at ito ang ika-apat na paglahok ni Hidilyn. Gaya ng mga nauna na niyang laban, may misyon ang kampeon ng Pilipinas – ang mag-uwi ng gintong medalya.

Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang mga coach na nagtutulong-tulong para siguraduhin na maayos ang kanyang trai­ning at nasa kondisyon ang kanyang katawan para sa nalalapit na competition.

“Sinisiguro din nila na I do not lose sight of our goal. Kaya naman nanatili akong focused at determinado na pagbutihin pa ang training araw-araw kasama ang team ko na kagaya ko ay marami na rin ang naging sakripisyo para maging representative ng ating bansa.”

Nagsimula ang weightlifting career ni Hidilyn sa edad na 17. Naging maingay ng husto ang pangalan ng dalaga nang sa kauna-una­hang pagkakataon ay iniuwi niya ang silver medal mula sa Rio 2016. At ngayon, sa edad na 30, ang pangalan ni Hidilyn ay nasa second spot sa world ranking.

Sino ang mag-aakala na ang simpleng curiosity ni Hidilyn sa isport na weightlif­ting ang magdadala sa kanya sa Olympics; na mula sa pagbubuhat ng barbell na gawa sa semento, maiaangat niya ang mga mandirigmang Pilipino.

Pag-alala ni Hidilyn, “Nag-try na ako ng iba’t ibang sports pero medyo hindi maganda yung nagiging resulta ng laro, parati akong talo. Sa weightlifting, natatalo ko yung mga pinsan kong lalaki kaya sabi ko dito ako.”

Simula noon ay hindi na tumigil sa training si Hidilyn. Sa loob ng isang linggo, mayroon siyang anim hanggang 11 session kung saan dumadaan ang kanyang katawan sa matinding pagsasanay na kaakibat ay sakit ng katawan.

“Madalas lahat ng parte ng katawan masakit. Kahit nga utak minsan kasi mental game din ang weightlifting. Kapag na-out of focus ka, maapektuhan ang performance mo.”

Sa mga ganitong pagkakataon, may kaagapay si Hidilyn. “Sa isang Alaxan FR, tapos ang laban. Handa ulit akong lumaban sa training the next day. Sa sakit ng katawan, sa lahat ng laban natin sa buhay, ang mandirigma tulad ko, laban lang.”

Ang Alaxan FR ay produkto ng pharmaceutical at health care company na Unilab. Ito ay doctor-recommended na pain reliever laban sa iba’t ibang sakit ng katawan.

Ito rin ang pinagkakatiwalaang body pain reliever brand ng mga mandirigma ng makabagong panahon na tulad ni Hidilyn.

Sa huli, may paalala ang champion weightlifter para sa lahat ng tulad niyang mandirigma, maging community pantry organizer man ito o delivery rider, na patuloy lumalaban sa buhay ngayong new normal: “Use this pandemic to prepare and become better so you can achieve your dreams. Lalo na sa mga kabataan na nagsisimula pa lang. ‘Wag susuko kahit mahirap. Ituloy n’yo ang laban para sa pangarap dahil kayo ang mga bagong mandirigma. Laban lang!”

Panoorin ang video ni Hidilyn Diaz sa Alaxan Facebook page (https://www.facebook.com/AlaxanFastRelief) at huwag kalimutang mag-iwan ng inyong message of support para sa pambato ng Pilipinas sa darating na Olympics event.

Maaari din kayong magbahagi ng inyong Laban Lang moments at maging ehemplo ng katatagan at tagumpay para sa iba.

57 thoughts on “HIDILYN DIAZ, TUNAY NA MANDIRIGMANG MAKABAGONG PANAHON”

  1. Long-Term Effects. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    best ed treatment
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything about medicine.

  2. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    canadian king pharmacy
    Commonly Used Drugs Charts. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

Comments are closed.