HIDILYN SASABAK SA 6 NA TOKYO OLYMPIC QUALIFYING

Hidilyn Diaz

ANIM na qualifying ang sasalihan ni Brazil Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at kaila­ngang makapasok siya sa top eight sa kanyang weight category para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“Back to zero si Diaz. Kailangang sumali siya sa qualifying competitions. Hindi nangangahulugang seeded na siya dahil silver medalist siya sa Brazil Olympics,” sabi ni coach Antonio Agustin sa panayam ng PILIPINO Mirror bago makipagkita kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Si Ramirez ang Chief of Mission ng Philippine delegation sa Southeast Asian Games kung saan itataya ni Diaz  ang kanyang korona na nasikwat sa 2017 edition ng biennial meet sa Malaysia.

Sinabi ni Agustin na dalawang qualifying na ang nilahukan ni Diaz sa China at Turkmenistan. Ang pangatlong qualifying ay gaganapin sa Thailand.

Kasama sa anim na qualifying competitions na lalahukan ni Diaz ang 2019 SEA Games. Ang dalawang iba pang qualifying ay gagawin sa susunod na taon.

Kumpiyansa si Agustin na magkukuwalipika si Diaz na sasabak sa 56 kilograms dahil nasa tamang kondisyon ito at sapat ang kanyang pag­hahanda.

Una nang nag-qualify sa Tokyo Olympics si pole vaulter Ernest John Obiena makaraang magtala ng bagong record sa Italy. CLYDE MARIANO

Comments are closed.