Sinisisi ni Angelica Yulo ang girlfriend ng kanyang anak na si Chloe San Jose sa pagkakaroon nila ng hidwaan ni Olympics gold medalist Carlos Yulo.
Ito raw ang mitsa ng mga away nilang mag-ina umpisa pa lang.
Kamakailan, ipinagdiwang ni Carlos ang kanyang gold medal victory kasama ang girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose.
Nag-post ng video at mga larawan si Chloe, na may caption na “We did it all in God’s name.”
Si Chloe ay Fil-Australian vlogger na kumpirmadong girlfriend ni Carlos. Inamin nilang dalawang taon na silang nasa virtual dating bago sila nag-eyeball noong 31st Vietnam Southeast Asian Games.
Noong February 16, 2024, nag-message si Chloe sa 24th birthday ni Carlos.
Aniya, “the man who fills my heart with more love than I ever thought possible.”
Sana nga raw ay magkaroon ito ng “divine year filled with success and endless adventure.
Ngunit nagpahiwatig si Angelica na si Chloe ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Carlos.
Hindi maliwanag kung bakit si Chloe ang dahilan, pero akusasyon ng mga netizens, “mukhang pera” raw si Angelica Poquiz Yulo na naghahabol sa milyones na kinita ng anak na atleta ng national team.
May nag-aakusa pa ngang winaldas ng pamilya ni Carlo ang perang kanyang kinita at napanaluhan sa mga kompetisyong sinalihan at pinagwagian.
Katunayan nga raw ay February 2024 pa huling nag-communicate ang mag-ina.
Pero pinanindigan ni Angelica na wala silang kinuha sa pera ni Carlos na para sa personal na gastusin ng kanilang pamilya. Lahat daw ng account ni Carlos sa mga bangko ay solong nasa pangalan niya. Yung Landbank account lamang umano ang may ATM, at doon niya kinukuha ang mga panggastos ni Carlos sa training at iba pa.
“Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya,” ani Angelica.
Buo umanong na-withdraw ni Carlos ang P11-million niya sa BDO at ang hindi lamang niya magalaw ay ang investment sa BPI dahil nasa pangalan ito ni Angelica at dalawang taon pa bago ito ma-withdraw. P70,000 lamang umano ito, at kapag nag-mature na after two years ay pwede na rin itong makuha ng kanyang anak.
Mula pa noong Sabado, August 3, 2024, laman na ng balita si Carlos at ang kanyang ina.
RLVN