HIGANTES FESTIVAL SIMULA NG PAG-AAKLAS

Ang mga higanteng paper-mache ng Angono Rizal ang nakatatawag-pansin sa mga turista tuwing buwan ng Nob­yembre.

Actually, tinawag itong Higantes Festival dahil sa naglalakihang paper mache effigies na siyang tampok sa parada. Ang festival ay bilang pagbibigay-galang kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda. Pinapasan ng mga mananampalataya ang imahe ni San Clemente sa prusisyon kasabay ang grand parade na kinabibilangan ng mga naglalakihang paper mache.

Ipinagdiriwang ito taon-taon tuwing 22nd at 23rd ng November. Isa itong local festival na inaabangan ng marami. Da­an-daang higanteng papier-mâché puppets ang kasama sa parada, na nagrerepresenta ng mga karaniwang taong nagtatrabaho sa mga mapagsamantalang asyen­dero noong panahon ng Kastila.

Nagsimula ang seleb­rasyon noong panahon ng Kastila noong 1800s, kung saan pinagsasamantalahan ng mayayamang ruling class ang mga nagtatrabaho sa kanilang hacienda. Pinagbabawalan nila ang mga Indio na magsagawa ng selebrasyon, liban lamang sa fiesta na isinasagawa taon-taon. Doon naisipan ng mga masisipag na manggagawa na gumawa ng mga higantes puppets na gawa sa papier-mâché na kamukha ng mga hacien­deros, na paraan ng paglibak sa kanila sa buong araw ng pagdiriwang.

Natutuhan umano ng mga Indio ang paggawa ng papier-mâché sa mga Kastilang Prayle. Babae o lalaki ang mga giant puppets na nakasoot ng iba’t ibang costumes, na ang mga muk­ha ay parang nag-uutos habang nakapamewang.

Sa kasalukuyang pamamaraan ng selebras­yon, gumagawa pa rin ang mga taga-Angono ng higantes bilang representasyon ng kani-kanilang barangay sa parada ng festival. Ginagawa ang mga puppets batay sa specialization ng barangay. Halimbawa, kung sikat ang barangay sa balut, gagawa sila ng higante na korteng bibe ang ulo. Karamihan sa mga giant puppets ay tao pa rin, ngunit iba-iba ang laki at hugis. Sa tinagal-tagal ng pagdiriwang, dumami na ang mga higantes na sumasama sa parada taon-taon, na noong huling selebrasyon ay umabot sa mahigit 100.

Posibleng ang kauna-unahang puppery sa Pilipinas ay nagsimula sa Higantes Festival. Sinusuportahan ito ng gob­yerno sa napakatagal nang panahon, at patuloy pa ring susuportahan sa mga dara­ting na henerasyon, upang mapanatiling buhay ang tradisyon. Kadalasang tatlong metro ang laki ng higantes papier mache na inaa­bot ng isang buwan bago matapos. Ang pinakamahirap na parte ay ang paggawa ng ulo, na gawa rin sa mga piraso ng papel. Ang katawan ay yari sa kawayan o rattan para madaling dalhin sa oras ng prosisyon, na kadalasang umaabot ng ilang oras bago natapos. Minsan, tao ang nasa loob ng higantes pero pwede rin namang hindi.

Kasama rin sa tradis­yon ng  higante puppets ang  basaan, kung saan binabasa ng tubig ang mga taong kasama sa parada bilang bendisyon ng swerte. Para sa mga Christians, ang tubig ay simbulo ni San Clemente, patron ng mga mangingisda. Tubig ang sigaw nila habang nagpaparada.

Kasama rin sa tra­disyon ang  parehadores, isang marching band at grupo ng kabataang ba­baeng nakasoot ng makukulay na costumes at bakya (wooden slippers). Sila ang responsable sa pagdadala ng sagwan, na simbulo naman ng mga nananampalataya kay San Clemente.

Habang pumaparada, manaka-nakang sumisigaw ang grupong ito ng   “Viva San Clemente”!

Laging nasa unahan ng banda ang mga kabataang babae habang nasa parada. – NV