HIGANTES NG ANGONO BUMIDA SA DAVAO

RIZAL-BILANG tugon sa paanyaya ng tubong Davao City na si Vice President Sara Duterte, rumampa at bumida sa ika-86 Araw ng Davao ang mga makulay na Higantes ng baybaying bayan ng Angono na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines.

Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Duterte kay Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang pakikilahok ng mga Higantes ng Angono para sa kapistahan ng Davao City na bagay na positibong tinugon ng lokal na pamahalaan.

“I am so amused with what I just saw, In fact, I’m ask Mayor Jeri Mae Calderon if she could lend us their Higantes for our festivities in Davao — which she readily agreed,” ayon sa Pangalawang Pangulo na panauhing pandangal sa ginanap na Higantes Festival sa Angono .

Malugod na tinanggap ni Davao City Mayor Baste Duterte, Rep Paolo Duterte at iba pang lokal na opisyal ang naglalakihang manikang kawangis ng alkalde, Vice President Duterte at ng kanilang amang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“What Angono gave us is something that the people of Davao City will forever treasure. Salamat po sa Art Capital of the Philippines. Nagdagdag kulay ang mga Higantes sa aming kapistahan,” ayon sa punong lungsod.

Para kay Calderon, malaking bentahe sa isinusulong na sining at kultura ang pagdayo ng kanilang Higantes – “Kung magtutulungan ang mga local government units, hindi malayong sumiglang muli ang turismong nakasandig sa sining at kultura.”

Pag-amin ni Duterte, lubha siyang namangha sa sining at kultura ng Angono.

“The fact that the Angono local government unit has been consistent in its effort to preserve culture is in itself noble work of ensuring that we do not forget the historical significance of this festival,” dagdag pa ng Bise-Presidente.

“Through these colorful and gigantic papier-mâché puppets, our forebears expressed their deep-seated yearning for freedom that planted the seeds and the call for change,” aniya.

Pinag-aaralan na rin ng Department of Education (DepEd) na idagdag sa mga aralin sa paaralan ang mga lathalaing inilimbag tungkol sa sining at kultura sa layuning pukawin ang nakatagong talento ng mga kabataan sa paglikha. ELMA MORALES