PAMPANGA-NASABAT ng mga tauhan ng Aduna ang ilang gramo ng high grade Marijuana at Cannabis infused gummies sa Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark na nagmula sa New York, for USA.
Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Custom Commissioner Bienvenido Rubio nasa 40 gramo ng high-grade Marijuana o Kush at sampung pouch ng Tetrahydrocannabinol (THC) Cannabis-Infused Gummy Candies na nakatago sa loob ng “parcel” na idineklara na naglalaman ng mga “sneakers”.
Dumating ang nasabing kontrabando nito Pebrero 1 at sumailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing kung saan parehong nagpapahiwatig ng posibleng naglalaman ng mga ipinagbabawal na gamot.
Dahilan para ipag-utos na isalang ito sa physical examination kung saan nakita ang mga tuyong dahon ng hinihinalang High-Grade Marijuana o Kush.
Ayon kay District Collector Erastus Sandino B. Austria, agad nilang ipinasa ang nasabat na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency na kasalukuyang nagsasagawa na ng follow up investigation hinggil sa pinagmulan nito at sino ang totoong consignee.
Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165. VERLIN RUIZ