HIGH-POWERED FIREARMS NA IBINAON NG MGA REBELDE NAREKOBER

FIREARMS-PILIPINO-MIRROR

QUIRINO – NAREKOBER ng militar ang mga matataas na uri ng kalibre ng armas, mga uniporme ng pulis at combat shoes  na pinapaniwalaang ibinaon ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa masukal na kagubatan ng Dimasungal, Maddela.

Ang narekober na mga baril ay kinabibilangan ng dalawang M14 armalite rifle, apat na M16 armalite rifle, isang MG503 baby armalite, mga bala, 15 pares ng PNP uniforms at 14 pares na boots.

Ayo sa 502nd Infantrty Brigade na pinangu­ngunahan ni Brig. Gen. Vicente Bacarro, ang mga armas ay nasamsam sa lugar na pinagtaguan ng NPA na kasapi ng larangang Guerilya Quirino-Nueva Vizcaya.

Ang pagkakatuklas ng mga nasabing armas ay dahil na rin sa tulong ng mga sibilyan na nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad, na may ibinaon na mga armas sa bahagi ng bulubundukin at masukal na lugar.

Samantala, matapos aniya ang pagkakasamsam ng mga matataas na kalibre ng baril ay nakasagupa ng mga kasapi ng 86th Infantry Batallion ang ilang kasapi ng NPA sa Sitio Pulang Lupa, Dimasungal, Maddela Quirino.

Makalipas ang ilang putukan ay kaagad tumakas ang mga rebelde na maaaring iniwan ng mga kasapi ng NPA ang mga armas uniporme at combat shoes upang makaiwas sa mga tinutugis na mga sundalo.    IRENE V. GONZALES

 

Comments are closed.