MUNTINLUPA CITY- PUMANAW na bunsod ng COVID-19 ang isang inmate na nagnga-ngalang Jaybee Niño Sebastian sa edad na 40.
Batay sa ulat, ilang linggo na ang nakalilipas nang dalhin si Sebastian sa Site Harry COVID-19 facility sa loob ng New Bilibid Prison nang ma-kitaan ng mga sintomas ng coronavirus.
Sabado umano nang mamatay ang preso na ipinagpalagay na ang kontrobersyal na si Jaybee Sebastian na convicted sa kidnapping-for-ransom at carjacking noong 2009.
Batay sa death certificate, nasawi ang preso bunsod ng acute myocardial infarction na dulot ng kum-plikasyon ng COVID-19, kaya alas-9 ng gabi noong Sabado ay sinunog ang kanyang labi sa isang crematorium sa Dasmariñas, Cavite.
Sa ulat, naging key witness si Jaybee sa bentahan umano ng droga sa Bilibid.
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanyang ipatatawag si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag upang linawin kung ang nasawing preso at ang ang kontrobersiyal na si Jaybee Nino Sebastian ay iisang personalidad. PM Reportorial Team
Comments are closed.