HIGH RANKING NPA TODAS SA SAGUPAAN

EASTERN SAMAR- DEAD on the spot sa ang isang high-ranking official ng New People’s Army (NPA) ang armadong galamay ng Communist party of the Philippines ng makasagupa ang mga elemento ng Philippine Army sa General MacArthur sa lalawigang ito.

Ayon kay Army Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, napatay ng kanyang mga tauhan ang pinuno ng Squads 1 at 2 ng Apoy Platoon, Sub-Regional Committee Sesame ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Sa impormasyong ibinahagi ni Gen. Vestuir, nakaengkwentro ng 78th Infantry Battalion si  Joel Guarino, alyas Duran kasama ang anim na nalalabing  miyembro ng Squads 1 at 2 sa Barangay Osmeña bandang alas-9:25 kamakalawa ng umaga.

Wala namang namatay o nasugatan sa panig ng pamahalaan, ayon sa opisyal.

Narekober ng mga awtoridad ang caliber .45 pistol ng pagmamay-ari umano ni Guarino.

Kaugnay nito, nanawagan ni Vestuir sa mga natitirang kasapi ng NPA na samantalahin na ang inaalok na pagbabagong buhay ng gobyerno kaysa sapitin nila ang inabot na dagok ng kanilang kilusan na unti unti nang nadudurog.

VERLIN RUIZ