HIGH SCHOOL TEACHER PINAGBABARIL

ZAMBOANGA DEL SUR- DEAD on the spot ang isang high school teacher makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Huwebes sa bayan ng Dumingag sa lalawigang ito.

Batay sa ulat ng Dumingag Municipal Police, nakilala ang nasawi na si Jerome Faunillan Etorma, guro sa Dumingag National High School.

Naganap ang insidente sa bahagi ng highway sa Barangay Boniao sa bayan ng Mahayag.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ito ng suspek dahilan upang mabuwal ang motorsiklo at mapuruhan ang biktima.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang malaman ang motibo ng krimen at maaresto na rin ang suspek. EUNICE CELARIO