ENGLAND – UUNAHING bigyan ng trabaho ng England government ang mga high-skilled worker mula sa iba’t ibang bansa at kasama roon ang Filipino.
Alinsunod ito, points-based immigration system para sa kanilang post-Brexit.
Layunin ng hakbang na tapusin ang cheap labour sa Europa at itaas ang kalidad ng paghahanapbuhay roon.
Umaasa na ang bagong hakbang ay maitaas din ang kalidad ng kanilang immigration system na pangunahing paraan para umangat ang kanilang ekonomiya.
Kasabay ng bagong sistema ay specific skills, qualifications, salaries o professions habang itinakda ang full implementation nito sa Enero 1, 2021.
Sa ilalim ng binalangkas na immigration system, maiiwasan ang diskriminasyon dahil patas ang pagtrato sa mga high skilled workers kahit hindi pa ito magkakalahi.
“It will come into force from January 1, 2021 and will treat EU and non-EU citizens the same,” ayon sa anunsiyo.
Ito rin ang kauna-unahan sa dekada na ang UK ang kokontrol sa kanilang bansa at operasyon ng kanilang immigration system.
Tiniyak naman na ang EU citizens ay hindi na kailangan ng visa para makapasok sa Britain sa loob ng anim na buwan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.