HIGH STATION UNIVERSAL BROODSTAG

SABONG NGAYON

DAPAT ay  high station ang gagamitin nating broodstag para kayang dalhin  ang lalim ng pagka-inbreeding, ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

Anya, katulad din sa tao ang inahin na kapag tumatanda ay nababawasan ang fertility o humihina ang semilya kaya dapat bata ang ganador, at least 7-8 months old stag.

“Ang gamitin po kung maedad ang inahin 4 years old pataas lalo na gusto mo mai-save ang linyada/pares ay magkadugo line breeding ay dapat po ang ganador ay palaging  high station para kayang dalhin ang lalim ng 9 pagka-inbreeding kasi ang tendency ay palaging maliit ang sukat ng anak,” ani Doc Marvin.

“A para safe at ‘di masira ang breeding materials, dapat ay 10 months old i-breed ang pullet para willing na talaga magpakasta at para maiwasan na mamalo ang broodcock o broodstag ng inahin during mating,” dagdag pa niya.

“Tulad din sa tao kapag wala noon ay ‘di mainit ang ulo emotional stress! Kapag minadali sila ay lalo lamang silang masisira, ayaw rin naman nila ang ginagahasa!”

Critical ang buhay ng ating mga alagang manok from day 1 pagkapisa hanggang 6 months kaya dapat dito ibinibigay lahat ng supplements,  hinahalo sa tubig o sa patuka man.

“Nasa stage siya ng development kaya ‘di dapat nagugutom tulad mo rin noong ikaw ay sanggol pa na mataas ang ating sustansiya  na kinakailangan ng ating katawan/nutrient requirement,” ani Doc Marvin.

“Mabilis ang kanilang metabolism/pagtutunaw kaya dapat pinapameryenda sila ng 2 pm lalo na ‘yung bagong cord para ‘di bumagsak/mag-collapse ang katawan pati narin ‘yung nasa range area pa. Kung talagang sila ay healthy dapat tunaw na kinain nila 1-2 p.m. kung magpapatuka ka ng 4 p.m.,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Doc Marvin, habang bata pa ang ating mga manok ay dapat doon mo siya  palakasin dahil kapag 1 year old o nalugunan na ay ‘di mo na siya puwedeng baguhin, iyon na talaga siya.

“Sa tao man kaya nga dinidisiplina habang bata pa madali pa baguhin/turuan pero kapag matanda na ay mahirap na iayos, ikaw na ang susuwagin noon!” dagdag pa niya.

“Ang manok na mabilis magtunaw ay mabilis niya ring pinapatay ang kanyang kalaban!”

6 thoughts on “HIGH STATION UNIVERSAL BROODSTAG”

  1. 355619 10123I dont agree with this specific post. Nevertheless, I did researched in Google and Ive found out which you are correct and I had been thinking within the incorrect way. Continue producing quality material comparable to this. 675768

  2. 283571 307435Sounds like some thing a great deal of baby boomers need to study. The feelings of neglect are there in a lot of levels when a single is over the hill. 75843

Comments are closed.