HIGH VALUE TARGET ARESTADO SA OPERASYON NG PNP BICOL AT PDEA

CATANDUANES-“WE just cannot afford to jeopardize our people by being laxed in our implementation of drug operations “

Ito ang inihayag ni PNP-Police Regional Office 5 Director PBGEN. Jonnel C Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan high value target na kasama sa talaan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs sa inilatag na anti-narcotics operation ng PNP Bicol sa Brgy Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes.

Sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office (CAT PPO), huli sa inilunsad na law enforcement operation ang kanilang target na kinilalang si Jose Panti San Andres Jr, 40 anyos, residente ng nasabing lugar.

Nang mahuli ito ay nakuhanan pa ng humigit kumulang 50 gramo ng pinaghihinalaang “shabu” na nakalagay sa apat na selyadong transparent plastik. Nagkakahalaga ito ng P340,000.00.

Batay sa rekord ng PNP Bicol, ang naturang suspek ay una ng sumuko noong kasagsagan nang Oplan Tokhang ngunit imbes na tuluyang magbago ipinagpatuloy pa rin nito ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Umamin rin si San Andres nya sya ay may ugnayan sa iba pang street level individual (SLI) at high-value individual (HVI) na sangkot sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa probinsya. VERLIN RUIZ