HIGH VALUE TARGET NALAMBAT NG PDEA

arestado

QUEZON CITY – ISANG high value target drug suspect ang nadakip sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Bulacao, Cebu City.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron N. Aquino ang suspek na si Jeramy Bastatas, na naaresto ng mga elemento ng PDEA Regional Office VII sa ilalim ni Director Wardley M. Getalla at sa tulong na rin ng mga lokal na pulis ng Barangay Bulacao.

Nakumpisa kay Bastatas ang limang plastic ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang na 450 gramo at may tinatayang street value na P3,060, 000, isang black eco bag at ang mga ginamit na buy bust money.

Sasampahan ang suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II of Republic Act of 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. PAULA ANTOLIN

2 thoughts on “HIGH VALUE TARGET NALAMBAT NG PDEA”

  1. 408062 460397The write-up posted was extremely informative and helpful. You men and women are doing a fantastic job. Keep going. 633989

Comments are closed.