HIGH VALUE TARGET TIKLO SA PDEA

NADAKIP ng element ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay ang isang high value target sa buy-bust operation sa Brgy. Puro, Legazpi City.

Kinilala ang nadakip na si Roque Bornilla, ng Brgy. San Lorenzo, Tabaco City.

Kasama ring nasamsam sa naturang operasyon ang nasa dalawang plastic bag ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 100 gramo at may market value na P680,000.

Nakumpiska pa maging ang ginamit na cellphone sa transaksyon at boodle money.

Sinabi ni PDEA Albay Provincial Officer Noe Briguel, matagal nang minanmanan ng mga operatiba ang suspek na nakikipagtransaksyon hindi lamang sa unang distrito ng lalawigan kundi pinasok na rin ang second district.

One thought on “HIGH VALUE TARGET TIKLO SA PDEA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *