HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA BUY BUST

arestado

LAGUNA – ARESTADO ng pinagsanib-puwersa ng Laguna Provincial Intelligence Branch (PIB) PRO2/PRO4A Drug Enforcement Unit (DEU) PDEA Isabela at Iligan City PNP ang itinuturong high value individual (HVI) matapos magkasa ang mga ito ng follow up at buy bust ope­ration sa Brgy. San Andres, Ilagan, City, Isabela kamakalawa ng hapon.

Base sa isinumiteng ulat ni PIB Chief PMaj. Ryan Jay Orapa kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang naaresto na si Junar Barcenas, 42, self-employed, residente ng Brgy. Santiago 2, lungsod ng San Pablo.

Bandang alas-5:38 ng hapon ng magkasa ng buy bust operation ang nabanggit na operatiba sa Isabela kung saan ito nadakip sa kasong pagtutulak umano ng droga.

Sinasabing mula sa Laguna ay nagsagawa ng follow up operation si Orapa at iba pa sa kanyang mga tauhan sa itinuturong safehouse ng suspek sa Isabela saka inilatag ang buy bust operation at gumamit ng halagang P5,000 ang nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa 30 gramo at may kabuuang halaga na mahigit na P200,000 street value kabilang ang isang hand grenade.

Sinabi ni Orapa na responsable umano ang suspek sa pagtutulak ng droga sa ikatlong distrito ng Laguna.DICK GARAY

One thought on “HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA BUY BUST”

Comments are closed.