HIGH VALUE TARGET TUMBA SA ENCOUNTER

patay

CAVITE – DEAD on the spot ang  isang drug personality na itinuturing na high-value target nang makaengkuwentro ng mga pulis sa buy-bust operation sa Bacoor City.

Patay sa police operation si Joseph Alvin Perez, alyas Jap, na dalawang buwan nang tinutugis ng mga pulis dahil sa umano’y malawakang pagbebenta ng ilegal na droga.

“Malaki na po talaga mag-dispose ito… ganito kasing klaseng mga drug pusher, hindi na basta-basta ito kasi hundreds na, thousands na ang dala-dala nila,” ani Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police.

Dinakip din ng mga pulis  ang dalawang itinuturong kagrupo niya sa pagtutulak ng droga.

Nakuhanan din si Perez ng nasa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Una nang naaresto ang live-in partner niyang si alyas Jane nitong Lunes. Higit P400,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa bahay nito kung saan ay inaresto rin ang 2 babaeng itinuturong runner ng droga sa kanilang grupo.

Ayon sa pulisya, mapipilayan ang operasyon ng grupo ng mga suspek sa pagkasawi ni Perez. VERLIN RUIZ

One thought on “HIGH VALUE TARGET TUMBA SA ENCOUNTER”

Comments are closed.