High-Yield Savings Accounts

KAPAG  sinabing High-yield savings account, ito ang klawe ng savings account na kumpleto sa PDIC FDIC protection, na kumikita ng mas mataas na interest kumpara sa standard savings account.

Mas malaki ang initial deposit nito at limitado ang access sa account. Maraming bangko at online institutions ang nag-o-ffer ng ganitong account sa kanilang valued customers na meron nang existing accounts. Ang maximum insurable amount sa PDIC-insured bank account ay Php500,000 bawat depositor, per bank.

Sa high-yield savings account, pwedeng kumite ang savings ng 10 to 12 times sa national average ng standard savings account. Kadalasan, kapag may savings account ka sa isang bangko, doon ka na rin nagbubikas ng checking account para madali ang transfers. Pero dahil uso na ag online banks at karamihan sa mga traditional banks ay gumagamit na rin ng online accounts, nagkaroon ng kumpitensya.

Tandaang ang interest rates sa high-yield savings accounts ay aabot sa 10 to 12 times higher than traditional savings account returns. Ang pinakamataas na rates ay kadalasang available lamang sa mga online banks. Mas madali ang electronic transfer mula sa high-yield savings account patungong checking account, kahit magkaiba pang bangko.

Malaki ang pagkakaiba ng interest sa High-Yield Savings account rates at national average is significant. Kung meron kang Php5,000 sa conventional savings account halimbawa, at ang national average rate ay 0.39% annual percentage yield (APY), kikita ka ng Php19.50 sa loob ng isang taon. Pero kung ilalagay mo ito sa high-yield savings account, tutubo ito ng 4.5%, kaya kikita ka ng Php225 interest sa loob ng isang taon.

Mas malaki ang savings, mas malaki ang tubo. Kung hindi mor in naman kailangan ang pera sa ngayon at wala ka ring negosyong paggagamitan, mag-time deposit ka na lang muna. Isa ‘yon sa mga hig-yield saving account. Paglaki ng saving, paglaki rin ng annual interest rate, paglaki rin ng kikitain mo. Kaya hindi jatutulog lamang ang pera mo sa bangko, kumikita ito para sa iyo.

Ang bottom line, high-yield savings account o time deposit ang ideal place para sa perang hindi mo pa kailangan sa ngayon. Pwede itong 1 month lang o three months. Pwede ring six months o isang taon, at pwede ring hanggang limang taon, depende sa gusto mo.

Kung medyo malaki ang pera mo, advice lang namin na hatiin ito sa 12 shares at i0deposit sa iba-ibang bangko sa three-month deposit terms, kung saan makaka-withraw ka ng panggastos kada buwan na hindi nababawasan ang savings mo.

Sa Php1-million, pwede ninyo itong hatiin sa 12 na Php83,000 time deposits every three months.

Kikita ito ng around Php3500 every three months. Dahil may 12 high-yield savings account kayo, pwedeng i-withraw ito ng sunud-sunod once a month kung maayos ang pagkakasunud-sunod ng accounts. May panggastos na kayo.

Magpatulong sa mga bank experts sakaling makapagdesisyon na kayo. By the way, Metrobank ang may pinakamababang tinatanggap na time deposit. Sa Php10,000, kikita ang pera mo ng hanggang 3.3% per annum. NLVN