HIGHEST COLLECTION TARGET NG BOC

Senador Richard Gordon-2

LUMABAS  sa pagdinig sa Senado na noong panahon nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Fidel V Ramos ang may pinakamataas na target collection sa Bureau of Custom (BOC).

Sa naturang pagdinig, kinuwestiyon ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon si Deputy Collector for Passenger Service Atty. Maria Lourdes Mangaoang bilang matagal na sa serbisyo sa ahensiya kung sino-sino sa mga administrasyon ng mga naging pangulo ang nakakamit ng target collection ng Customs.

Agad namang sinagot ito ni Mangaoang na panahon nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Fidel V. Ramos ang may pinakamalaking collection target sa BOC.

Sinabi pa ni Mangaoang na noong pa­nahon naman ng dating Pangulong Benigno Noynoy ­Aquino ang halos walang koleksiyon dahil hindi prayoridad ito noon ng Pnoy administration.

Ibinulgar din ni Mangaoang sa pagdinig ang palakasan system sa Customs na kapag may padrino at may pera ay  mabilis ang promosyon sa puwesto.

Inamin din niya na ang mga bitbit na tauhan ng mga naitalagang commissioner ng custom ang kadalasang mga gumagawa ng katiwalian sa ahensiya. VICKY CERVALES

Comments are closed.