(Highest single-day tally) COVID-19 CASES SUMIPA PA SA 39,004

SUMIPA  pa ang naitatalang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Sabado ng hapon, Enero 15 ay naitala ang 39,004 bagong kaso sa loob ng isang araw. Ito ay highest single-day tally sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 3,168,379 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 280,813 o 8.9 porsiyento ang aktibong kaso.

8,928 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 267,185 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,925 ang moderate, 1,472 ang severe, habang 303 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 52,858 o 1.67 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 23,613 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,834,708 o 89.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.