HIGIT 1K NA MAGBABABOY BINIGYAN NG KABUHAYAN

BULACAN- NASA 1,035 residente mula sa 18 bayan at siyudad sa lalawigang ito ang benepisyaryo ng tatlong Kulig o biik, at siyam na sako na tig-50 kilo ng feeds.

Ayon kay Bulacan Provincial Veterinary Dr. Voltaire Basinang, dumaan sa bio security seminar ang lahat ng nakatanggap mga alagaing baboy ay mula sa Department of Agriculture (DA).

Layon ng seminar na maging handa at malabanan ang mga virus o sakit na tumatama sa mga alagain na baboy tulad ng African Swine Fever (ASF) dahil hanggang sa kasalukuyang wala pang gamot o bakuna na panlaban dito.

Nabatid na ang mga benepisyaryo ng ahensiya ay dati nang naging biktima ng ASF.

Sa ilalim ng Swine Sentinel Program, mu­ling susubukan ng dating mga backyard Owner ng baboy na mag-alaga ng baboy.

Kaya’t pinakiusapan ang benepisyaryo na huwag agad letsunin sa halip ay palakihin sa loob ng 40 araw, bago ibenta o kaya naman ay gawing inahin para sa hanapbuhay.

Umabot sa 3,105 baboy at 9,315 na sako ng feeds ang ipinamahagi sa mga magbababoy sa probinsya. THONY ARCENAL