HIGIT 1M EKTARYA NG BIGAS, MAIS SAPOL KAY ‘KRISTINE’

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na maaapektuhan ng bagyong Kristine na magsagawa ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalugi habang papalapit ang bagyo.

Sa kanilang situation bulletin, sinabi ng DA na ang area of standing crops na maaaring maapektuhan ni ‘Kristine’ ay may kabuuang 1,311,024 ektarya, kung saan 1,103,582 ektarya ang para sa bigas at 207,442 ektarya ang para sa mais.

Sinabi ng DA na ang numero sa standing crops ay base sa pinagsamang datos mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VIII at XIII hanggang October 15, 2024
Ayon sa DA, para sa bigas, ang area sa ilalim ng seedling at vegetative stage ay nasa 160,344 ektarya o 14.53%, habang ang area sa ilalim ng reproductive stage ay nasa 452,123 hectares o 40.97%.

Ang area sa ilalim ng maturity stage para sa bigas ay nag-aambag sa natitirang 491,115 ektarya o 44.50%.

“As for corn, the area of crops under the seedling and vegetative stage is at 19,062 hectares (9.19%), while the area under reproductive stage is at 40,193 hectares (19.38%),” sabi ng DA.

“Those under the maturity stage contribute to the remaining 148,187 hectares (71.44%),” dagdag pa ng ahensiya.

Pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang mga pananim at magsagawa ng karampatang hakbang sa disaster preparedness upang maiwasan ang pinsalang idudulot sa agrikultura sa maaaring pananalasa ni ‘Kristine’.

Payo pa ng DA, ihanda ang mga post harvest facilities, at iba pang maaaring mapag-imbakan sa mga aani­hing pananim.

Idinagdag pa ng DA na ilagay sa ligtas na lugar ang mga plan­ting materials, kagamitan, farm machineres, at mga farm tools, at huwag hayaang maabot ng tubig-ulan.

Pinatututukan din ng ahensiya ang kalusugan at kalagayan ng mga hayop, kasama na ang paglalaan ng sapat na pagkain at inumin para sa kanila.