IPINAHAYAG ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nasa 225 units ng mga ambulansiya ang kanilang ipamamahagi sa buong bansa sa mga susunod na araw.
“I would like to announce that very soon, our procurement of 225 units of ambulances will be partially completed and those of you who have submitted their request, if you have submitted before and were not included in the priority list, baka sakaling mapagbigyan na,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua sa isang convention ng Mindanao-League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Davao City noong Hunyo 10.
Sinabi ni Cua sa pagtitipon ng mga lokal na executive na ito ay alinsunod sa misyon ng ahensiya na pagandahin ang mga serbisyo nito.
“These are the things that the agency is trying to do so that we can improve our service to you. We will continue to strengthen this,” ani Cua.
Ayon pa kay Cua, tinututukan din ng PCSO ang mga pagsisikap sa pagbuo ng mga bago at dagdag na pondo upang mapalawak pa ang mga programa nilang tulong medikal.
Dagdag pa ng dating lokal na ehekutibo na naghahanap din ang ahensiya ng mga paraan upang mas lalo pa silang makatulong at mapalapit sa mga alkalde at iba pang frontliner ng gobyerno.
“The mayors are in the frontline of government service, kayo ang mas nakakaalam ng nangyayari sa ground, so it is very important that our agency support the local executives,” ani Cua, na dating gobernador at kinatawan ng Quirino.
Nagbahagi rin si Cua ng mga pananaw sa lokal na pamamahala, at binigyang-diin ang kahalagahan ng networking para makabuo ng mas maraming pondo upang masuportahan ang mga ito.
Sinabi rin niya sa mga alkalde ang tungkol sa kanyang mga patnubay sa paglilingkod sa publiko, na ginawa niya sa acronym na “GREAT.”
“’GREAT’ stands for good governance, right-sizing, efficiency, accountability, and transparency,” ani Cua.