HIGIT 3,000 MAG-AARAL NAAYUDAHAN 

Daniel R. Fernando

BULACAN -TINATAYANG nasa 3,314 Bulaken­yong estudyante ang  tumanggap ng pinansiyal na ayuda mula sa pamahalaang pan-lalawigan ng Bulacan.

Si Gobernor Daniel R. Fernando ang personal na nag-abot sa mga kuwalipikadong mag-aaral.

Layon nitong matugunan ang mga suliranin habang nasa kasagsagan ng pandemya.

Inihalimbawa niya na  tulad ni Jose Rizal, na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Sa ilalim ng scholarship program na Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo maabot nila ang kanilang mga pangarap.

Base sa datos, may 3,092 na estudyante na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo, binigyan.  ng tig-P3,500 habang 222 masteral students naman ang tumanggap ng tig-P5,000 bawat isa.

Kinumpirma ni Catherine Innocencio, executive assistant III, na kasalukuyan pa rin silang namamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College and Bulacan State University. THONY ARCENAL

Comments are closed.